CHAPTER 4

1644 Words
ONE SATURDAY MORNING, at the local countryside farmer’s market, with stalls, earthy smells, and soft chatter of town folks. Zayden and Luna were walking at the farmers’s market, looking at what to buy. Marami silang nabili noong nakaraang araw pero kulang daw ‘yon sabi ni Zayden. Gusto nitong makagawa ng recipe kaya naman kailangan nito ng maraming gulay. Pero habang magkasama sila sa Farmer’s Market, kaniya-kaniya naman sila ng ginagawa. Zayden was buying goods, while Luna was sketching in her sketchbook. Well, hindi na bago ‘yon kay Zayden na makita ang dalaga na laging dala ang sketchbook nito. Luna tucked her loose strand of hair behind her ear as she crouched near a crate of pumpkins, sketchbook balanced on her knee. Enjoy na enjoy siya habang gumuguhit. Her pencil moved smoothly across the sheet of her sketchbook, capturing the curve of the pumpkin, the twist of the vines, and the toothy grin she had just imagined for the cartoon version. Then a voice spoke behind her. “May pangalan ba ‘yan?” came a warm and amused voice of Zayden. Umikot ang mata ni Luna. “Oo. Zayden ang pangalan niya.” Sagot niya sa binata saka tumayo at hinarap ang binata. Tumawa naman si Zayden saka ipinakita kay Luna ang carrot na medyo hindi ganun kagandahan. “I planned to make this into a soup.” Napatitig si Luna sa may carrot. She giggled and then reached for her sketchbook again. Napailing na lamang si Zayden nang makita niyang ginuguhit na ni Luna ang carrot at nilagyan pa nito ng malaking mata, a wide grin, and a chef’s hat. He watched with arms folded and amused. “Ginawa mo namang kontrabida ang soup ingredient ko.” Sabi ni Zayden. Luna let out a soft sigh and showed Zayden her drawing. “He secretly dreams of being in a fine dish.” Napatitig si Zayden sa ginuhit ni Luna. “You’ve got talent and imagination. What a dangerous combo.” Ngumiti si Luna. “I’ll take that as a compliment, I guess.” Kapagkuwan napakamot siya ng batok. “Pwede bang… turuan mo akong magluto? Of course, without turning it into charcoal?” Tumaas ang kilay. “Pati carrots, nasusunog mo?” Tumango si Luna habang iwas ang tingin kay Zayden. “I once set oatmeal on fire. Iyong sunog na itlog na nakita mo, may mas malala pa doon. Kaya simula noon hindi na ako pinapasok sa kusina.” Napakurap si Zayden dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung matatawa siya o maaawa ba siya kay Luna. Napailing siya at mahinang bumuntong hininga. Tutal maayos namang kasama si Luna kaya pumayag siya na turuan itong magluto. “Alright. I’ll teach you.” Lumiwanag ang mukha ni Luna. “Really? Thanks, Zayden.” Masaya niyang saad. And just like that, under the sunny shade of a canvas tent, with the scent of basil, Luna sketched different vegetables and fruits while Zayden continued to buy. PAGKAUWI NILA, ang kusina ang destinasyon nila. Sa totoo lang kapag si Zayden ang nagluluto hindi na nakikialam si Luna. Ayaw rin lang naman siyang papasukin ni Zayden sa kusina kapag nagluluto ito. Saka na lamang papasok ang dalaga kapag kakain na sila. “Can you open the windows, please?” Zayden asked. Ibinaba ni Luna ang hawak na sketchbook at pencil saka binuksan ang mga bintana. Pumasok naman ang malamig at sariwang hangin. Zayden put a cutting board on the counter. Luna stepped forward, watching Zayden. “Alright,” Zayden acted like a teacher, “Let’s begin with the basics, Miss Velasco. Peeling.” Hinawakan ni Luna ang carrot. Inabutan naman siya ni Zayden ng peeler pero agad na binawi ni Zayden ang peeler bago pa man ito mahawakan ni Luna. “Humawak ka na ba ng peeler?” Tumango si Luna. “That’s good.” Ibinigay ni Zayden ang peeler kay Luna. “Thumb behind the blade. Try not to peel yourself.” Hindi sanay si Luna sa kusina at iilan lamang ang kaya niyang gawin sa kusina, isa sa mga kaya niyang gawin ang kumain at maghugas ng plato pero pagdating talaga sa pagluluto ay wala siyang alam. But she can peel carrots, and she’s happy with that. Medyo mabagal si Luna pero hinahayaan naman ito ni Zayden. Hindi niya alam pero mahaba ang pasensiya niya para sa dalaga. Later, they work side by side. Luna was peeling while Zayden chopped the onions with casual precision. Napabahing pa si Luna nang maamoy ang inilagay si thyme si Zayden sa may kaldero. Zayden smiled when Luna turned the onion scraps into little sad-faced doodles on the corner of her notebook. “So,” he said, tossing the carrots into the pot, “what brings a children’s book illustrator to the countryside?” Nag-alinlangan si Luna at napatitig sa sabaw na hinahalo ni Zayden. “I just want a quiet place. Iyong walang pressure.” Napatango si Zayden, quietly adding salt. “Yeah, same with cooking. It used to be a joy for me. I also wanted a quiet place and found this place.” For a moment, there was only the soft bubbling of the pot and the sound of wind brushing against the windowpanes. Tumingin si Luna kay Zayden. “City noise got too loud, I guess.” Tipid na ngumiti si Zayden. Zayden cleared his throat. “Taste?” Luna leaned in with the spoon as Zayden watched her expression closely as she tasted the broth with wide eyes and amusement. “Wow,” was all she could say. Nag-thumbs up siya kay Zayden. “You’re really an award-winning chef. Laging naririnig ni Zayden ang mga papuri sa kaniya at sawang-sawa na siya na makarinig ng mga ‘yon pero iba ang dating sa kaniya ng papuri sa kaniya ni Luna sa hindi niya malamang kadahilanan. He stared at Luna, a smile tugging at the corners of his lips. Nagpatuloy sila sa pagluluto. Zayden continued teaching Luna how to cook simple dishes, nagpapasalamat na lamang siya na hindi nasusunog ang mga niluluto nito dahil agad niya itong nasasaklolohan. Well, the pan though, not Luna. “Luna?” Napatigil si Luna sa pag-inom ng tubig saka napatingin kay Zayden. “Bakit?” “You’re a Velasco, right? So, you’re the only daughter of the Velasco Family? The owner of Velasco Airlines?” he asked. Kilala kasi ang mga Velasco sa Airline Business at business partner nito ang Donovan Airport na siyang pag-aari ng pamilya ni Rhett na kaibigan niya. Tumango si Luna. “No wonder you don’t know how to cook. But you have never seen it on the news. You’re a low-key person.” “You’re a lowkey person too. Ang kakambal mo ang laging nakikita sa business news pero parang ikaw na rin ‘yon dahil magkamukha naman kayong dalawa.” Nagkibit lamang ng balikat si Zayden. “My brother wants to be the CEO, and I want to be a chef. Fate, I guess.” “Did your parents force you to take responsibility?” maingat na tanong ni Luna. “Hindi naman,” sagot ni Zayden habang naglalagay ng kanin sa dalawang pinggan. “My parents let us do what we wanted to do.” “Oh.” Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Luna pero agad din itong nawala. “Did they do that to you?” Zayden asked. Umupo si Luna saka humigpo ng sabaw. Ngumiti lang siya saka nagsimula ng kumain. Zayden didn’t force Luna to answer. Umupo na rin siya at kumain. Naging tahimik na sila at tanging ang tunog ng kubyertos ang maririnig. Kapagkuwan pareho silang napatingin sa isa’t-isa at nagkatitigan. Parehong bumilis ang pagtibok ng kanilang mga puso. Zayden had already experienced falling in love before, but it failed, and he knew what his heart meant. Hindi siya tanga para hindi malaman kung bakit mabilis ang pagtibok nito. Pero para kay Luna na hindi pa naranasang umibig, hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng pagtibok ng kaniyang puso. Hindi naman siya kinakabahan. Parang sinasabi ng kaniyang puso na ‘this moment matters’ na ikinailing naman niya. Humugot ng malalim na hininga si Luna at kinalma ang kaniyang puso pero mas lalo pang bumilis ang pagtibok nito. Nagtaka na siya kung ano ang nagyayari sa kaniya. Alam niyang wala naman siyang sakit sa puso, eh. Parang naging awkward ang mga sumunod na minuto para kay Zayden at Luna. Pagkatapos nilang kumain, naghugas sila ng pinggan at pagkatapos ay nauna na si Luna sa sariling kwarto. Katatapos niya lamang na mag-shower nang tumunog ang cellphone niya. It was Ella, her best friend. “Hello, Ella.” May ngiti sa labing pagsagot niya sa tawag nito. “Hinahanap ka ng magulang mo. Anong sasabihin ko?” Agad na sabi ni Ella. “Sabihin mo na hindi mo alam kung nasaan ako.” “Eh, hindi ko naman talaga alam kung nasaan ka, Luna. Pero ayaw nilang maniwala.” Napailing naman si Luna. “Hayaan mo sila. Babalik naman ako diyang pagkatapos ng isang buwan. I just want to unwind and give peace to my mind.” “Isang buwan? Teka nasaan ka bang lupalop ng mundo?” tanong ni Ella. “Mas mabuti na huwag mo ng alamin, Ella. Baka mamaya madulas ka pa. I just want a peace of mind.” Sabi ni Luna saka umupo sa gilid ng kama. “Pero maayos ka ba sa kinaroroonan mo?” “Oo naman. Huwag kang mag-alala, Ella.” Ella breathed a sigh of relief. “Mabuti naman kung ganun. Basta mag-iingat ka ha?” Ngumiti si Luna. “Oo. Salamat sa paalala. Bye. Matutulog na ako.” When the call ended, Luna stared at her phone. One month. Siguro naman pwede na ang one month. One month of peace of her mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD