LUNA STOOD NEAR THE HALO-HALO STAND, her fingers wrapped around a cold cup layered with crushed ice, ube, and leche flan. The sweetness melted slowly on her tongue, as she looked around, looking for someone in the crowd with quiet anticipation.
Hindi niya rin alam kung bakit niya ito hinahanap. Si Zayden. It'd been three days since they became roommates, and she could only say it was good. Zayden was a good man, she thought, because that’s what she saw in him.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita si Zayden sa may gilid ng game booth, sa ilalim ng isang lantern na papalit-palit ng kulay. He stood there, tall, relaxed, laughing as a small boy tugged at his sleeve, asking for help with the bottle toss.
Hindi alam ni Luna kung ano ang mayroon kay Zayden dahil nakuha nito ang atensiyon niya. Well, maliban sa gwapo ito at alam niyang maraming babae ang naghahabol rito, may nararamdaman siyang kakaiba, eh. Hindi niya alam kung ano ‘yon at pinili niya na huwag na lamang pansinin.
Ibinaling na lamang ni Luna ang tingin sa kaniyang paligid kaysa ang mahuli pa siya ni Zayden na nakatingin rito. Nakakahiya ‘yon kapag nagkataon.
It was already six-thirty in the evening, and the festival had begun. Naamoy pa niya ang mga matatamis na amoy na nakadikit sa hangin. At ‘yon ay dahil sa isang nag-iihaw ng mais. Further down, the sweet, sticky smell of banana cue drifted with the breeze. A vendor on the other side of the road handed a skewer of fish balls to a child. On his stalls, there were kwek-kwek, kikiam, and many more.
Sa may plaza naman, nagsimula na ang concert ng rinentahan na banda.
By the rice field’s edge, a Ferris wheel turned slowly, the blinking light attached to it starting to glow against the darkened sky. Natawa pa siya kasi nakita niya ang ilan sa mga nakasakay sa Ferris Wheel na magkasintahan at nagkakahiyaan pa. Habang ang ilang nakasakay ay mga teenagers kasama ang kanilang mga kaibigan at mga bata kasama ang kanilang mag magulang.
“Want to try?”
Nagulat si Luna nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. Mabilis siyang humarap at nakita si Zayden na tawang-tawa.
“Ang magugulatin mo.”
Luna rolled her eyes. “Huwag ka kasing bigla-bigla na lang magsasalita.” Aniya.
Napatingin si Zayden sa kinakain ni Luna na halo-halo. “Kanina pa ‘yan. Hindi mo pa naubos?”
“Busog na ako, eh.”
Napailing si Zayden. “Ang liit naman ng bituka mo.” Aniya saka kinuha ang halo-halo na hawak ni Luna saka siya na ang umubos.
“Teka—” hindi na naituloy ni Luna ang kaniyang sasabihin nang gamitin ni Zayden ang ginamit niyang kutsara. “Nagamit ko na ‘yang kutsara.”
Pero hindi nakitaan ng pagkadisgusto sa mukha ni Zayden.
“Oh.” Normal ang naging reaksiyon ni Zayden.
“It’s okay. Wala ka naman sigurong rabies ‘no?”
Luna looked at Zayden flatly. “Anong tingin mo sa akin? Aso?”
Nagkibit ng balikat si Zayden na parang wala lang. “Wala akong sinabi. Ikaw ang nagsabi niyan.” Aniya saka itinapon sa may basurahan ang plastic cup na pinaglagyanan ng halo-halo.
Kapagkuwan may naamoy si Luna. “Ang bango.”
“Anong naamoy mo? Barbeque ang naamoy ko, eh.”
Hindi pinansin ni Luna si Zayden at hinanap niya kung saan nanggagaling at mabango at masarap na naamoy niya.
And there she saw a food stall where a group of women were grilling bibingka in clay ovens. Agad siyang lumapit doon.
Zayden followed his gaze towards Luna. For some reason, Luna had got his attention. Sa loob ng tatlong araw na magkasama sila sa iisang bahay, may napansin siya sa dalaga. Luna is a type of woman na sasabihin nito kung ano ang nasa isipan nito, which was a good thing for him para hindi siya nangangapa lalo na at hindi naman nila masyadong kilala ang isa’t-isa.
They were just strangers. Pero parang may kung anong nagsasabi sa loob niya na kilalanin niya ang dalaga.
There was something about Luna that got his attention. Hindi niya lang matukoy kung ano. Kahapon nakita na lamang niya ang sarili na nakatingin kay Luna at natutuwa siya sa mga ginagawa nito lalo na kapag nagtatalo sila. Gustong-gusto niya itong inaasar. Namumula kasi ito kapag inaasar niya.
Zayden walked towards Luna. “Bibili ka?” tanong niya.
Tumango si Luna. “Mukhang masarap.”
“Naku, Ma’am. Hindi lang ‘yan mukhang masarap. Masarap po talaga ‘yan.” Sabi ng isang tindera.
Ngumiti si Luna at akmang bibili na ng magsalita si Zayden.
“Makakain mo ba ‘yan? Eh, ang liit ng bituka mo.”
Luna lost her expression and glared at Zayden. She turned her back without saying anything and left.
Natawa na lamang si Zayden. “Ang bilis niya talagang mapikon,” aniya.
“Sir, ibili niyo na si Ma’am ng bibingka. Panuyo niyo.” Nakangiting saad ng tindera.
“Sir, asawa niyo po ba?” tanong naman ng isa pang tindera.
Bahagyang natigilan si Zayden sa tanong ng tindera pero hindi niya ito sinagot. “Pabili po ng dalawa.” Aniya.
Agad namang naglagay sa supot ang tindera.
Pagkatapos bayaran ni Zayden ang bibingka, sinundan niya si Luna at nakita niya ito na nakikilaro sa may ring toss.
Hindi na siya nagsalita dahil baka maasar na naman ito sa kaniya. Pinanood na lamang niya ito. After playing some games, they watched some shows like the “Palarong Bayan” kung tawagin. Nakakatuwa ang mga batang panoorin lalo na sa sack race, pabitin at kung anu-ano pang laro. Adults were cheering, laughing, and joining the fun.
Nang medyo lumalim na ang gabi, nagtambay si Zayden at Luna sa may plaza at nakikanta sa mga nagko-concert.
And when the clock strikes at twelve, the fireworks light up the sky.
Masaya si Luna kasi ramdam niyang masayang-masaya siya. She felt free to laugh and bask in the warmth of the people. It feels good.
“You looked happy.”
Ngumiti si Luna. “Yeah, I’m happy.” Huminga siya ng malalim.
Naglalakad na ang dalawa pauwi.
Napangiti na lang din si Zayden. “Oh, ‘yong bibingka mo.”
Bahagyang natigilan si Luna. “Nang-aasar ka ba?”
Kinuha ni Zayden ang kamay ni Luna at inilagay doon ang bibingka. “Hindi kita inaasar. Alam ko naman na gusto mong kumain kaya binilhan kita. It’s my way of apologizing for teasing you.”
“Talaga?”
Tumango si Zayden.
Nang makabalik sila sa apartment, may tumawag kay Zayden habang si Luna naman ay pumasok sa loob ng kwarto.
Zayden smiled when he saw it was his twin brother.
“How are you, Zayden?”
“I’m good,” Zayden answered. Kapagkuwan kumunot ang noo niya. “It’s already late at night. Hindi ka pa natutulog.”
“Eh, ikaw? Bakit hindi ka natutulog?” balik na tanong ni Zane.
Natawa na lamang si Zayden. “Kakauwi lang namin galing sa festival.”
“Namin? May kasama ka? Akala ko ba mag-isa ka lang na pumunta diyan sa probinsiya?”
Zayden facepalmed. Minsan talaga nadudulas ang dila niya ng hindi niya namamalayan kaya nahuhuli siya sa sarili niyang bibig. “May sinabi ba ako? Ang sabi ko kakauwi ko lang galing sa festival. You know what, twin brother, it was fun.”
“Don’t change the topic, Zayden Axl. Alam ko kung ano ang narinig mo.” Saad ni Zane sa seryosong boses.
“Namali ka lang ng rinig.”
Zane snorted. “Zayden, sa ating dalawa, ikaw ang hindi marunong magsinungaling kaya lagi kang nahuhuli ni Mommy, eh.”
“Wala nga.”
“Anong wala? Sabihin mo na. Sinong kasama mo?” tanong ni Zane na parang nag-iimbestiga.
Napailing na lamang si Zayden dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Zane hangga’t hindi nito nalalaman ang gusto nitong malaman.
“Ayaw mong sabihin? Oh, sige ito na lang ang sagutin mo? Babae o lalaki?” tanong pa ni Zane.
Zayden sighed. “Babae,” he confessed.
Zane clicked his tongue. “Sabi ko na nga ba. Ikaw talaga. Ang linis mong magtrabaho, ah.”
“Hey, don’t think like that,” sabi ni Zayden. “Luna and I just shared an apartment.”
“Oh, her name is Luna. Ang sweet pa ng pagkasabi mo, ah.” Nang-aasar na wika ni Zane. “Umamin ka nga, Zayden Axl. Pumunta ka ba diyan sa probinsiya dahil may sinundan ka o gusto mo talagang mag-unwind?”
“Zane, don’t think about anything. Dito ko lang nakilala si Luna. And we’re both from the city. We came here to relax, and the landlord made a mistake, kaya kami nasa isang apartment.”
“Oh, okay. As you say,” hindi naniniwalang saad ni Zane. Sinabi na lamang niya ‘yon para segundahan ang sinabi ng kakambal niya.
“I’m telling the truth. Bahala ka na kung ayaw mong maniwala.”
Zane chuckled. “Oo nga pala. Pinapakumusta ka ni Mommy. What will I tell her?” he asked.
“Well, tell Mom not to worry. Okay lang naman ako rito.”
“Yeah, don’t worry, I will tell her not to worry dahil baka may manugang na siya sa ‘yo pagbalik mo.”
Napailing na lamang si Zayden saka pinatay ang tawag dahil walang patutunguhan ang usapan nila ni Zane kapag nagpatuloy pa ang pag-uusap nila sa wala namang kabuluhang bagay.
Suddenly, a chat notification popped up on his phone. It was their friend's group chat.
In the chat, his friends were asking him to buy them pasalubong habang si Izael naman ay pinapadaan siya sa Baguio bago siya bumalik ng syudad.
‘Ano kayo? Sinuswerte?’ he replied to their chat. And then he replied to Izael, ‘I’ll try, man.’
And he turned off his phone.
Pumasok na rin siya sa kwarto upang magpahinga.
Ngunit habang nakahiga na siya sa kama, bumalik sa kaniya ang mga pang-aasar ng kaniyang kakambal. And for some reason, he envied his brother for having a family now of his own. Pero siya, hindi niya alam.
Luna… well, pikunin pero mabait naman. He thought with a smile.