Michaela’s Point of View
Nasa loob ako ngayon ng isang bar na punong-puno ng ilaw na tila sumasayaw kasabay ng malakas na tugtog ng musika.
Iba’t ibang kulay ang naglalaro sa paligid, pula, bughaw, at lilang ilaw na kumikislap sa kisame, habang ang mga katawan ng mga taong naroon ay halos magdikit-dikit sa gitna ng sayawan.
Dinala ako rito ng mga kaklase ko dahil birthday ng isa sa amin, at sa totoo lang ay wala talaga akong balak sumama.
Ngunit dahil sa kakulitan at pangungulit nila, napilitan na rin akong pumayag.
Akala ko ay isang simpleng salu-salo lamang ang pupuntahan namin. Isang tahimik na kainan, konting kwentuhan, at ilang tawanan. Ngunit mali pala ako. Hindi ito basta party lang. Isa itong inuman, at halata naman sa mga mesa na punong-puno ng bote ng alak, baso, at yelo.
Sa una ay nag-obserba lang ako. Tahimik na nakaupo sa gilid habang pinapanood ang kasiyahan ng iba. Ngunit hindi rin ako nakaligtas sa pangungulit nila.
“Mika, konti lang. Birthday naman ni ano,” sabi nila habang inaabot sa akin ang isang baso.
Sa una ay tumanggi ako. Ilang beses pa. Ngunit sa huli, napilit din nila akong uminom.
At ngayon, narito ako.
Nakahawak na sa ulo ko, ramdam ang unti-unting pag-ikot ng mundo. Parang umiindayog ang sahig sa ilalim ko, at ang mga ilaw ay tila nagiging malabo sa paningin ko. Hindi ako sanay sa alak. Hindi ako sanay sa ganitong klase ng kasiyahan. At ngayon ay pinagsisisihan ko ang pagpayag na sumama.
Nakapikit ako sandali, pilit kinokontrol ang hilo, ngunit kahit ganoon ay rinig ko pa rin ang mga boses sa paligid ko.
“Sigurado ka bang lasing na ’yan?”
Napakunot ang noo ko kahit nakapikit pa rin ako. Kilala ko ang boses na iyon. Si Gerald. Ang tinatawag nilang hearthrob ng klase namin.
“Oo lasing na ’yan. Simulan mo na para makuha mo na ang prize mo na makuha ang virginity niya.”
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Unti-unting nagising ang diwa ko sa narinig ko.
What the hell.
“Mika.”
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Gerald na may nakapaskil na ngiti. Isang ngiting hindi ko maipaliwanag. Isang ngiting may tinatagong intensyon.
Akala nila hindi ko narinig ang usapan nila.
Ilang araw na niya akong nililigawan. Hindi ko siya sinasagot. Hindi ko siya pinapansin sa ganoong paraan. Ilang beses ko na siyang tinanggihan, ngunit mukhang hindi siya marunong tumanggap ng hindi.
“What?”
“Lasing na lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo.”
Umiling ako kahit nahihilo. Pilit kong pinatatag ang sarili ko.
“No thanks.”
Sinubukan kong tumayo, ngunit agad ding umikot ang paningin ko. Parang nawalan ng balanse ang buong katawan ko kaya napahawak ako sa sofa.
“Diyan mo na lang siya galawin at magre-record na lang kami dito.”
“Shhh…”
Mas lalong kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang pagtaas ng kaba sa dibdib ko. Ang mga salitang narinig ko ay parang mga kutsilyong dahan-dahang tumutusok sa isip ko.
What the!
Mukhang hindi ito biro. Mukhang totoo ang balak nila.
“Bitawan mo ’ko! Sisipain kita kung may gagawin kang masama sa akin.”
Ramdam ko na ang mga kamay na humahawak sa akin. Malalakas at mapilit. Hindi ko na makita nang maayos kung sino ang mga iyon dahil sa hilo, ngunit malinaw sa akin ang intensyon nila.
Narinig ko ang tawanan nila. Malakas. Walang pakundangan.
Parang wala silang pakialam.
Damn.
Kung hindi lang ako sumama sa party na ito.
Kanina pa masama ang pakiramdam ko. May kung anong bumubulong sa akin na huwag pumunta, ngunit binale-wala ko iyon.
At ngayon, heto ako.
Hindi pa rin sila tumitigil. Hindi pa rin nila ako binibitawan. Kaya tinipon ko ang natitirang lakas ko. Lahat ng kaya ko.
At sinipa ko.
Tumama ang paa ko sa mukha ng lalaking may hawak sa akin.
“Damn! You b***h!”
Biglang lumuwag ang pagkakahawak nila. Parang naputol ang kontrol nila sa akin.
At iyon ang pagkakataon ko.
Agad akong tumakbo.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ang exit. Ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo.
Kailangan kong makatakas.
Sa gitna ng pagmamadali ko ay may nabangga ako.
Isang matigas na bagay.
Isang katawan.
Napapikit ako sa impact, ngunit agad kong naamoy ang isang mabangong halimuyak. Isang amoy na kakaiba sa amoy ng alak at usok sa loob ng bar.
Matutumba sana ako, ngunit may mga kamay na sumalo sa akin.
Matatag. Mainit.
“H-Help me…”
Mahina kong sabi habang pilit inaangat ang tingin ko.
At doon ko nakita ang mukha niya.
Isang lalaking nakatingin sa akin. Malalim ang mga mata. Tahimik ngunit tila mapanganib. Parang may kung anong misteryo sa bawat titig niya.
Hindi siya nagsalita.
Tumingin lang siya sa akin, saka dahan-dahang inilipat ang tingin sa mga kaklase ko na papalapit.
“Sh*t! Bakit siya nandidito!”
“Tara, exit na tayo!”
Parang may takot sa boses nila.
Isa-isa silang umatras.
At sa isang iglap, nagtakbuhan sila palayo.
Naiwan kaming dalawa.
Nakaramdam ako ng ginhawa. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
“Thank yo—”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
Bigla niya akong binitawan.
Walang kahit anong salita.
Napaupo ako pabalik sa sofa, halos mawalan ng lakas ang tuhod ko.
Tinitigan ko siya.
At ganoon din siya sa akin.
Ang mga mata niya ay tila sinusuri ako. Parang binabasa ang bawat detalye ng mukha ko. Parang may hinahanap.
Hindi ko maintindihan kung bakit.
"She's the one."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Salamat sa pagligtas mo sa akin. Gagawin ko ang lahat para mabayaran kita sa pagligtas mo sa akin---"
"Anything?"
Nahihilo na talaga ako pero tanging tango na lang ang nagawa ko.
"Okay, my kitten."
Teka lang... Kailan pa ako naging pusa?
*****
LMCD22