31 HAWAK ang isang kopya ng papel ay walang tigil sa pagpatak ang luha ni Macy kahit na nasa una siyang photoshoot para sa ibi-billboard ng mga Villaraigosa. “Iha, may pinagdaraanan ka? Cruise line ang imo-model mo at hindi ataol ng patay.” Mataray na siya sa kanya ng bakla kaya nailapag niya ang resulta ng DNA test na inuna na niyang makuha makalipas ang tatlong araw. Totoong si Emmanuel ang ama niya at wala iyong kaduda-duda. Kahit na ang dugo nila ay match na match pa sa AB negative kaya paano niya mapipigil ang sarili na huwag umiyak? “Huwag mo nga siyang pagalitan, Zacharias!” Masungit naman na sagot ni Catharine mula sa kung saan kaya naitago ng photographer ang mga labi at napaiwas. “Cancel the pictorial if she’s not feeling well, hindi ‘yong susungitan mo ang bata.” tuluyan