30 “TAHAN NA HA. Matulog ka na. Usap tayo ulit bukas kasi papasok na ako. Nyt na. Sleep na. Malapit na ang first pictorial.” Alo ni Rosalinda kay Macy na walang tigil sa pag-iyak habang nakadapa sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan. Walang imik na kinansela niya ang tawag sa best friend at umiyak na naman kahit na narinig na niya ang pagtunog ng pintuan sa kwarto. “Alas diyes kinse na, umiiyak pa rin ang bata?” Malambing na tanong ng Papa Jesu niya pero hindi siya sumagot hanggang sa maramdaman niyang naupo ito sa mimsong kama, sa bakanteng pwesto sa may tagiliran niya. She felt a hand, fondling her head, down to her back. Paulit-ulit iyon hanggang sa ilabas niya ang mukha at nakita ang Papa niya na lumuluha. Lalo siyang umiyak at napabangon para pahirin ang mga luha nito sa pisn