15 PATINGIN-TINGIN si Macy sa tiyan niya sa harap ng salamin at hinihimas-himas pa. Ganoon ang gawa niya simula nang magkamalay siya at natapos na ang hapunan ay ganoon pa rin siya. Bakat sa may leeg niya ang kagat ng tao at ang sabi ni Rosalinda ay gawa iyon ni Hendrickson. Bampira yata iyon at may pagka-rapist talaga. Hindi niya pinansin ang best friend nang pumasok iyon sa kwarto at nagkukuskos ng mukha gamit ang bulak. Bagong ligo na iyon at napatanga sa kanya. “Napapaano ka?” “Parang malaki ang tiyan ko. buntis na yata ako.” Napalabing sagot niya. “At paano ka naman mabubuntis?” “Hinalikan ako sa labi. Hindi ba sabi noong bata tayo kapag nahalikan, lalaki ang tiyan? Malaki na.” pinalobo niya ang tiyan kaya nabakat sa suot niyang bestida. “Baliw!” natawa si Rosalinda saka s