14 HENDRICK was quick catching the lady who fainted. Para itong nabali na katawan ng kamatis sa malalaking braso niya at hindi kawasa ay napangiti siya nang makita ang walang malay nitong mukha. Now he knows that everything is true. The girl is still untouched. Sa isang simpleng halik ay nahimatay na at natigil ang walang kasing tabil na nguso. “Patay na siya! Hala ka po!” Ani sa kanya ng negra pero pinanaliman niya iyon ng mga mata kaya napatalikod na lang. “Get this damn guitar off her body.” Utos niya kay Rosalinda na sumunod naman kaagad. Tuluyan niyang binuhat si Macy at sinarili ang ngiti nang lalong lumabas ang dibdib nito sa suot na sundress. Ipinasok niya ito sa suite na inuukupa at humanga rin naman talaga siya kay Dark na totoong kaparehas ng suite niya ang ibinigay