18 Damn it! INIS na tumayo si Hendrick mula sa kinauupuan nang tuluyan siyang malugi ng isang milyon sa sugal. Dilang anghel yata ang Maria Crisanta na iyon kaya talagang natalo siya at minalas. That girl could be his worst enemy. Malakas ang kapit niyon sa langit at idinaan pa sa pesteng panalangin ang pagkatalo niya. Kung gaano naman kasarap na halikan, ganoon naman nakakabwisit kapag nag-umpisa nang tumabil ang nguso. And now what? Hindi matanggal sa isip niya habang nagsusugal ang lasa ng bibig niyon at ang inosenteng mukha na parang nahihiya at natatae sa nerbiyos, pero dinadaan sa kakulitan ang lahat. Gumewang pa siya nang makaramdam ng liyo pero kaagad din namang binawi ang matikas na tindig. He angrily fixes his coat and walks on. Sa bar na siya babalik at doon na siya ha