19 “GOOD MORNING, Papa God!” Ibinuka ni Macy ang mga braso habang nakaharap sa bukas na pinto ng balkonahe ng kanilang kwarto. Sinalubong siya ng malamig na hangin at magandang sinag ng araw. Nakatulugan na niya ang pagtatawanan nilang magkaibigan dahil sa nangyari kagabi pero heto at gising na siya, habang si Rosalinda ay nakatuwad pa sa kama. “Papa Jesus, salamat po sa isang beautiful morning. Mamaya ko na po tatawagan ang papa kong mukhang litson sa katabaan kasi dadaan pa po ako doon sa chapel ng barko po ha. I lab you much and I lab lab all the people of the Milky Way who loving me back. Sorry for all my kasalanans and please forgive me. Kasabay po ang patawad Niyo ay bigyan Niyo na po ako ng pera rin. Mamat much po. Muah muah, tsuptsup.” Halik niya sa langit saka siya pumihit a