Maxine Pagkatapos naming kumain ni Jeff ay dumiretso kami sa park umupo lang kami sa isang bakanteng bench dun sa malayo sa tao. "Gusto kong magpicture tayo ang cute kasi natin sa damit nato, don't worry itatago ko lang para di makita ng iba." Ang sabi ko kay Jeff at nag puppy eyes pa ako sa kanya. Napangiti naman ito at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Wag ka ng magpa cute sa akin dahil kahit anong gawin mo maganda ka sa paningin ko." Tuwang tuwang sabi nito at kinabig pa ako palapit sa kanya at saka niyakap. Ang sarap pala ng feeling ng inlove para kang nasa ulap pakiramdam ko nga nananaginip lang ako, pero kung panaginip lang lahat ng ito sana wag na akong magising. Hahaay! Joke lang.. "Akin na yung celphone mo, mag picture na tayo." Ang sabi ni Jeff sa akin sabay lahad ng ka