Jeff "Don't ever do that again Jeff I'm warning you, naka commit tayo dun sa company na iyon it was all settled the place the props the models tapos na pack-up lang dahil bigla ka na lang nawala at iniwan kami sa ere.My gosh! Hindi mo alam katakot-takot na explanation ang ginawa ko para mapagtakpan ka lang ang hirap kayang mag imbento ng kasinungalingan." Halos umusok na ang ilong ng manager kong si Ms.Gie sa kakasermon sa akin, pero dahil good mood ako yung mga pinagsasabi niya parang musika lang sa pandinig ko . "Wow!" At nakuha mo pa talagang ngumiti diyan samantalang ako halos sumabog na sa inis sayo!" Ang sabi pa nito sa akin. Napamaang ako. "Ngumiti bako? Hindi ko alam?" Tanong ko. Nakangiti ba ako?Yung totoo. "Oo mula ng pumasok ka dito sa office di na nawawala yang ngiti sa l