Jeff's POV] ••• After my accident marami na akong bagay na nakalimutan ang sabi ni Dr. Vander in times forgotten memories can be retrieve pero yung pakiramdam na parang napakalaki ng nawala sa pagkatao ko because of that bad freaking accident makes me feel incomplete. Thankful naman ako dahil ngayong araw natanggal na ang cast sa binti ko at ang benda sa ulo ko. Naging okay naman yung result ng mga test na ginawa sa akin. And now I am looking forward na makabalik sa dating ako. Napabaling ang tingin ko sa aking tagapagalaga masinop nitong nililigpit ang aking pinagkainan medyo nagulo pa ang buhok nito at ang iba ay tumakip na sa kanyang mukha ng bahagya siyang yumuko para pulutin ang nalalag na tinidor sa sahig. Napakurap-kurap ang mga mata ko habang matamang nakatitig sa kanya.