"Kung totoong mahal niya ako makalimutan man ako ng isip niya pero yung puso niya hindi maaring makalimot." ••• Maxine Mae Lee Tui _ ____________________________________ [Maxine] ---- "Are you out of your mind Max? Bakit ka nagpanggap kay Jeff na ikaw ang magiging taga pag alaga niya, kailan kapa ba naging nurse? Bakit hindi mo sinabi ang totoo na ikaw ay asawa niya?" Dismayadong napatutop sa sarili niyang noo si Moira. Pilit na ngiti ang ibinigay ko dito. "Narinig mo naman ang sinabi ni Dr.Vander diba? Hindi natin dapat madaliin si Jeff! Kung totoong mahal niya ako makalimutan man ako ng isip niya pero yung puso niya hindi maaring makakalimot." "Eh! Paano nga kung pati puso niya makalimot narin! Hindi mo na ba ipaglalaban ang pagmamahalan ninyo." Sunod-sunod ang iling na gina