Maxine Bakit ba napaka sweet sa akin ni Lucas ngayon? Tapos lagi lang siyang nakatingin sa akin feeling ko nga talaga may madumi sa mukha ko eh! Haisst! nakakapanibago talaga siya, ano kayang nakain niya at nagkaganyan siya ngayon. Pero natutuwa talaga ako kahit medyo awkward dahil love song ang naka play sa dance floor.. Ang weird nga eh!nagsasayaw kami ng sweet ng stepbrother ko ha!ha!ha!. Pero talagang ang weird nung feeling hindi ko maipaliwanag. Napakagwapo niya ngayon sa suot niyang black tuxedo kaso parang di naman siya aware na sobrang gwapo niya, kahit pa nga yung mga babaeng models ng FMA talagang hinahabol siya ng tingin. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit kaya grabe siya kung makayakap sa akin parang ayaw na niya akong pakawalan. Pero masarap naman sa pakiramdam na na