Maxine Wala na ang piring ko sa mga mata ang tape sa bibig ko at ang tali sa aking mga kamay ng tingnan ko ang paligid nasa magandang kwarto ako fully airconditioned napakaganda sa loob para akong nasa five star hotel at sa pagtataka ko ang sahig ay punong-puno ng mga red and white petals. Tapos sa ibabaw ng kama ay may puting gown napakaganda niya simple lang pero agaw atensyon ang mga swarovski crystals na nakapalibot dito at stiletto shoes na silver na napapalibutan ng mga bids at sequence na gold. Sa ibabaw ng gown ay may papel na may nakasulat na WEAR ME in bold letters ganun din sa sapatos may nakapatong din na puting papel na nakasulat na WEAR ME in bold letters sa box nito. Ano ba talagang nangyayari? Nagkamali yata yung kidnaper ng kuwartong pinagdalhan sa akin. Saan nila di