Third Person's POV] Catch me I'm falling...... Naghahalo ang takot at nerbiyos sa mukha ni Maxine ng mga oras na ito, parang gusto na lang niyang umuwi at magtago. Pero hindi niya kayang makitang bumabagsak si Jeff ng dahil sa kanya. Kahit nasa backstage ay dinig na dinig niya ang sigawan ng mga audience sa loob ng studio. Nagulat nalang siya ng biglang bumukas ang dressing room, at lalo niyang ikinagulat ay kung sino ang iniluwa ng pinto- si Chloe Montenegro, agad nitong sinenyasang lumabas ang make up artist na kasama ni Maxine sa kwarto ng mga sandaling iyon, mabilis naman iyong tumalima. At ng makalabas ito ay dali-daling inilock ni Chloe ang pinto na ikinabahala ni Maxine, hindi niya alam kung anong binabalak ng babaeng ito at hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon. "Tsh! I