ROSETTA FLORES NAGMADALI akong umalis sa sapa dahil baka hanapin s'ya ni Winter. Sana gumana itong naisip ko na dapat, lahat sila, magsialisan na. Pag-dating ko sa kubo, sina Rocky at aling Martina lang ang nandoon. Hindi rin nila alam kung na saan si Boss Krujer. Nagalala ako dahil baka nag hanap na naman 'yon ng preskang ulam namin pero hindi pala. Natagpuan ko s'yang nagpapahinga pala sa isang kubo. Doon pala nagpalipas ng gabi. Ginising ko talaga s'ya at importante 'tong pinagusapan namin. "That's why I heard that noise earlier." Tumango ako. Pinag bigay alam ko na sa kan'ya ang nangyari. Kinakausap ko s'ya rito sa loob ng kuwarto. Naka-tayo lang ako sa bungad ng pinto habang naka-harap naman s'ya sa naka-bukas na bintana at tinatanaw ang mga tanawin sa labas. "Natutulog lang ako