ROSETTA FLORES KAAGAD kong sinulyapan si Boss Darion at bahaya kong kinagat ang ibabang parte ng labi ko dahil maging s'ya ay nagulat sa tugon ko kay Winter. Ano ang gusto n'yang sabihin ko? S'ya ang ama ng anak ko para mag-wala si Winter at makarating sa mga magulang n'ya? Kung 'yan talaga ang ipaparinig ko, madedelikado ang lahat ng pinaghirapan ni Boss at ipapasa kay Boss Krujer ang trono n'ya para magpakatatay na lang s'ya sa anak ko. Bumabase lang ako samga paalala ni Boss sa 'kin noon. "Si... K-Krujer?" mahinang sambit ni Winter. Sa mukha n'ya, nahahata kong nagdududa s'ya pero dapat akong umarte ng pinong-pino ngayon. Maghihinala 'to kung hindi ko gagalingan. "How is it even possible?!" "Kahit tanungin mo rin si Boss Krujer dahil halos magkasabay din sila ni Darion na nama