ROSETTA FLORES Bago pa ako makapagsalita, bahagya n'yang hinila ang planggana sa gitna namin at pinagpatuloy ang pagkukusot. Nabahiran din ng bula ang mga kamay n'ya. "I am sorry about my behavior last night. That was rude of me, I should have been better off kept silent." "Wala namang masama sana sa paglalabas ng saloobin pero dapat maniwala ka naman sa kausap mo. Malamaman mo naman kung nagsisinungaling po ako." "If you like him, go ahead. I won't stop you." Naka-tutok lang ang mga mata ni Boss sa kan'yang nilalabhan pero sa kan'ya ako naka-titig. Hanggang ngayon, hindi n'ya pa rin inaalis sa isip n'ya ang tungkol sa bagay na 'yan. "Ako na ang nangangako na imposible nga 'yan, Boss... Kung nakikinig ka sa 'kin, 'e 'di wala na sana tayong problema." Hindi na s'ya naka-sagot. "At