ROSETTA FLORES BAGO pa makita ni Rocky itong hitsura ko, agad kong pinunasan ang mga pisngi ko gamit ang likuran ng aking mga palad hanggang sa nawala na sa aming paningin ang mga helicopter. Bakit parang nararamdaman kong hindi na babalik si Boss? Pero sa puso ko, naiintindihan ko naman kung sa kali na hindi s’ya makakabalik dahil gawa ng ang dami n’ya talagang dapat asikasuhin. Hindi biro na ikaw ang magpapatakbo ng buong organisasyon.. ko talaga s’yang sana, gabayan sa kung saan man s’ya nahihirapan. “Hoy, Rosetta.” Napa-buga na agad ako ng malalim na hininga nang umugong sa mga tainga ko ang boses ni Nanay. Naramdaman ko rin na siniko ako ni Rocky sa tagiliran. Sabay kaming humarap at nasilayan namin pereho na papalapit si Nanay pati si tatay sa aming kinatatayuan. Tumigil si