ROSETTA FLORES MAGING ako ay nabigla sa naging reaks’yon n’ya kaya dali-dali kong tinapik-tapik ang kan’yang likod habang umuubo. “Ayos ka lang po ba, Boss?” nagalalang tanong ko pero hindi pa rin n’ya ako nasagot at halos mamumula na ang buo n’yang mukha na tila mauubusan na s’ya ng hangin. Hinintay ko s’yang mahimasmasan hanggang sa pilit na lang s’yang tumitikhim ngayon. “Pasens’ya na kayo, boss… parang sineryoso n’yo naman ang sinabi ko… nabilaukan tuloy kayo.” Tinititigan ko s’ya rito sa tabi ko habang naluluha na sa kakaubo n’ya kanina. “Next time don’t joke me like that… you could kill me.” “Ay, hindi po biro ‘yon, boss…” Dahan-dahan n’ya akong binalingan ng tingin. Med’yo nabahala ako nang sumalubong sa ‘kin na naka-salpok na ang kan’yang mga kilay pero nanatili akong kalm