ROSETTA FLORES Wala kaming ibang pinagusapan. Pagkatapos naming kumain, nagsipaghanda na ulit kami. Alas onse siguro natapos ang pagaasikaso bago kami nakapagpahinga. Pag-sapit ng malamig na umaga, alas kuwatro, gising na kaming lahat. Sabay-sabay na kumain sa camp site. Ala sais na kami naka-alis sa hideout ng mga bandido. Lingon pa ako ng lingon dahil ang lugar na ‘yon ang naging libingan ng mga katribo kong pinagpapatay ng mga hayup na ‘yon. Nakakalungkot lang isipin na kinakailangan mo pang mag-lakbay ng ilang araw para madalaw lang ang mga mahal mo sa buhay. Bumaba na kami sa bundok. Naka-paligid ang mga sundalo sa aming lahat para sila ang taga-maintain ng formation. Ang ibang mga batang walang mga magulang, mga sundalo rin ang kumakarga sa kanila lalo na sa mahihirap na parte