ROSETTA FLORES HINDI na ako nakapagsalita pa hanggang sa tinalikuran na ako ni Boss na may ngiti s’ya sa mga labi. Nang mawala ang presens’ya n’ya rito sa loob ng kuwarto, dahan-dahan kong nilapat ang palad sa aking noo. Ramdam ko pa ang bibig roon ni Boss. Humarap ako sa kama ko. Pag-hakbang ko, parang nanlalambot yata ang mga binti ko. Hindi naman sa nag-o-over acting ako pero ‘yong tuhod ko, nanginginig ng konti. Ibang klase talaga ang dating sa ‘kin ni Boss. Ang sarap n’ya mahalin, ayos lang sa ‘kin kung hindi n’ya papanagutan ang damdamin ko basta, matutuloy lang talaga ang hinahangad ko sa kan’ya! Habang naka-hilata na ako sa kama, buong imahe pa rin ni Boss Darion ang nakikita ko. Kahit nga sa pag-pikit, mukha n'ya na naman ang nasisilayan n’ya lalo na ‘yong kung paano n’ya a