ROSETTA FLORES “Joke lang po, baka seryosohin...” Natatawa kami ni Boss pero si Winter, kulang na lang, uusok s’ya sa upuan n’ya. Nag-maneho na ang driver. Sumandal na ako sa malambot na sandalan pero hindi pa kami nakakalahati sa biyahe, harap-harapan kong nasaksihan kung paano sumandal si Winter sa kaliwang balikat ni Boss Darion. Nakakainggit naman. Hindi naman s’ya sinaway ni Boss, mabait ‘yan ‘e. Heto, para hindi ako mag-selos, pinikit ko na lang ang mga mata ko at marahang humikab. Hindi naman naka-baba mas’yado ang talukap ng mga mata ko at nasisilayan ko pa rin sila sa aking harapan. Naabutan ko pa ngang nilingon ako ni Winter at med’yo nabigla ako dahil naka-ngisi s’ya. Pero nang makita akong nagkukunwaring tulog, sumimangot s’ya. Papainggitin n’ya siguro ako. Buti na