ROSETTA FLORES “Boss hindi na kailangan—“ Tinigil ko ang sinasabi ko nang tinalikuran na n’ya ako. Marahan akong napa-hinga ng malalim at pinagmasdan na lang na humahakbang palayo si Boss Darion habang naka-talikod sa paningin ko. Napapaisip ako. Nakakailang naman na samahan n’ya ako sa sapa maligo? Kung aayain ko naman si Aling Martina, sasamahan ako non. Huminga ako ng malalim at binabaan ulit ng tingin ang laman ng plato ko. “Rosetta, ano ang pinagusapan ninyo ni boss Darion? Mukhang seryoso yata ‘yon ah?” Natigilan ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang nanay ko. Sinalubong ko na agad s’ya ng tingin. “Ano ‘yon? Ano ang laman ng paguusap n'yong dalawa?” Lumalim pa lalo ang pag buntong hininga ko. “Hihiram sana po ako ng flashlight at maliligo ako sa sapa mamaya.” Nangun