ROSETTA FLORES “Rosetta!” Kahit tinatawag ako ng ilang beses ni Boss Darion, hindi talaga ako tumigil. Nanlalaki ang mga mata ko habang sinasalubong ko ang mga halamang humahagupit sa balat ko. Hinahabol ko ang aking sariling hininga nang mapadpad na ulit ako sa kubo ni Rocky. Kumapit ako sa hawakan ng hagdan habang nahihingal. Hinawakan ko rin ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang lakas ng t***k. Nag-v-vibrate sa mga palad ko. Dali-dali akong umakyat. Tumungo na ako sa loob ng kuwarto. Tinabihan ko ulit si Rocky pero nagising s’ya sa presensya ko. “R-Rosetta? Anong oras na at bakit gising ka pa?” namamaos n’yang tanong habang naniningkit ang mga mata n’yang naka-titig sa ‘kin. Hindi ko s’ya sinagot. Naka-upo lang ako sa kama habang dilat na dilat ang mga mata ko. Hindi sa pagigi