SPECIAL CHAPTER 2 - ROSETTA FLORES HINDI ko ramdam ang pagod ko sa araw na iyon. Mas’yado akong nawili sa ganap. Alas tres na ng madaling araw natapos ang wedding celebration. Doon lang sinimulan ihatid pauwi ang mga bisita sakay pa rin ang mga helicopter. Halos wala kaming tulog ni Darion. Alas kuwatro na kami ng madaling araw naka-tulog at pagggising namin, tirik na tirik na ang araw. Mag aalauna na pala ng hapon. “Are you still sleepy, Rosetta baby?” Nagising pa lalo ang diwa ko nang marinig kong tinawag ako ng asawa ko. Umupo ako ng tuwid at tinanaw ko s’ya sa kabilang bahagi nitong mesa. Karga-karga n’ya si Roscoe. Napa-dede ko na ang anak ko bago kami bumaba rito sa kusina. “Just finish your lunch and after that, you can take a nap.” “A-Ayos lang sa ‘yo? Ikaw ba, hindi ka matutu