SPECIAL CHAPTER 3 - ROSETTA FLORES Binaba ako ni Darion sa tapat ng bahay. Nang binuksan n’ya ang pinto, awtomatikong bumukas ang ilaw. Ako na ang unang pumasok. “S-Sobrang ganda naman ng pagkakagawa!” Napa-ikot ako para matingnan ang bawat sulok ng bahay. Ang daming naka-paso na mga halaman at bulaklak. May nakita akong pinto kaya pumasok ako roon. Pero namula ako bigla. Mukhang kuwarto namin ‘to ni Darion. May kama tapos de-aircon pa. “This is the best part, baby... Look.” Dumaan si Darion sa gilid ko at dumiretso s’ya sa likod ng head board ng kama. Humarap s’ya sa naka-saradong kurtina at mabilis n’yang hinawi pahati ang mga iyon. Nagulat ako nang masilayan ang maliwanag na front upper view ng waterfalls sa kristal na bintana. Nasa tuktok kasi kami ng bangin na hindi naman gan