CHAPTER 54 ROSETTA FLORES KUMURBA ang mapait na ngiti sa mga labi ko habang nalalanghap ko ang kan’yang pabango na parati kong hinahanap-hanap. Saulado ng ilong ko ang amoy n’ya at ilang buwan ko ring pinapangarap na malanghap ulit. Pinakinggan ko ang bawat yabag ni Boss Darion na umuugong sa buong kubo. Hindi ako naka-galaw sa kinatatayuan ko pero damang-dama ko ang lamig na nanunuot sa katawan ko. Nawala na ang presens’ya n’ya pero naiwan pa rin rito sa kuwarto ang kan’yang matapang na panlalakeng pabango. Nahagip ko ng tingin ang anak ko. Ganoon pa rin ang posisyon ni Roscoe sa kama, senyales na hindi n’ya ginalaw o binuhat ang anak ko. Siguro tinitigan n’ya lang dahil kung kinarga n’ya si Roscoe, malalaman ko agad ‘yon. “Rosetta…” Sinalubong ako ng malambing na boses ni Aling Ma