ROSETTA FLORES “Rosetta, sigurado ka bang babalik si Boss Krujer? Tingnan mo, magdadapit hapon na, hanggang ngayon hindi pa rin s’ya nakakabalik…” Habang inaayos ko ang kulambo namin ng anak ko, pumasok si Aling Martina sa loob ng aming kuwarto. “Sana naman, hindi ka pinapaasa... nako talaga.” “Hindi ko nga ‘yan iniisip at mas mainam na hindi na s’ya babalik dito dahil mas payapa pa ang isip ko," pagbibiro ko. “Nandito pa ang mga tauhan ni Boss Krujer kaya imposibleng aalis s’ya ng basta-basta. ‘Eh ‘di sana kanina pa lumisan ang mga sundalo.” May punto naman pero wala talaga sa utak ko ang usapan namin ni Boss Krujer. Nasa kan'ya na 'yon kung gagawin n'yang talaga. “Ate, habang tulog pa si Roscoe... maliligo muna ako sa sapa ha?” Bumaba na ako sa kama at saglit na sinulyapan ang a