ROSETTA FLORES “Your… suitor?” Bakas sa mukha n’ya ang pagtataka. Huminga ako ng malalim. “Si tatay ang nag reto n’yan sa ‘kin pero matagal ko nang dinispatya ‘yan... Sa kasamaang palas, bumalik pa rin. Hindi kasi marunong gumalang,” seryosong tugon ko habang umuugong sa paligid ang sigaw ng kapitan. Tulog talaga ang Matias. Buti nga sa kan’ya. Ang lakas ng loob para hawakan ang buhok ko. “Boss Darion.” Bumaba naman si Tatay. Napa-salin sa kan’ya ang buo naming atens’yon ni Boss. “Ako na ang bahala rito, umalis na kayo ni Rosetta.” Binigyan ko ng makahulugang tingin ang tatay ko. “Sige na, lumayo na kayo rito.” Tinatanaw n’ya ako rito habang humahakbang pababa ng hagdan. Bago kami umalis ni Boss, kinuha ko na muna ang damit ni Boss Krujer at naiwan ko kasi roon sa upuan ko kanina.