ROSETTA FLORES TUMALIKOD ulit s’ya sa ‘min at mabagal na humakbang pababa ng hagdan habang sumisipol. Papansin din ‘tong si Boss Krujer. Ginagawa n’ya lang ‘yan para inisin si Boss Darion. Mabuti na lang, mahaba ang pasensya nitong isa. Palihim akong huminga ng malalim. “Nakapagimpake ka na ba, Rosetta?” Humarap kaagad ako kung saan naka-tayo si Boss. Nasilayan kong nawala ang pagiging seryoso ng mukha n’ya. “Matatapos pa lang po, Boss…” Bahagyang umangat ang magkabilang sulok ng mga labi n’ya. Napapatikom naman ako ng bibig. Gusto kong isali sa usapan ang panggugulo ng kapatid n’ya pero parang wala s’yang plano at iba ang naging unang pahayag n’ya sa ‘kin. Kung gano’n, uunahan ko na s’ya. “Ah, Boss… parang nakasanayan n’yo na ang ugali ng kapatid mo… talagang magkaiba po kayo.”