ROSETTA FLORES Nasa likuran s’ya banda ni Boss Darion na may ilang mesang agwat. Natatanaw ko s'ya mula rito sa puwesto namin pero ang mga mata n’ya, parang sa amin naka-tutok. Mukhang kanina pa yata s’ya naka-upo roon pero ngayon ko lang s’ya nakita. Bumuga na lang ako ng marahang hininga at nag kunwari akong hindi ko s’ya nasilayan. Kay Boss Darion ko ulit tinutok ang mga mata ko. “Mawalang galang na… puwede bang makisabay sa inyo?” Sabay kaming napa-tingin kay Rocky. Kapit-kapit n’ya ang dalwang pinggan. “Of course, you can sit with us.” Tumayo pa si Boss Darion para kunin ang dala ni Rocky at nilapag sa harapan ko ang plato na naglalaman ng rasyon namin. Umupo na itong kaibigan ko sa tabi ko. “Boss Darion, ingatan n’yo po itong dalaga ko ha?” Natawa ng marahan sa sinabi ni R