ROSETTA FLORES BUMANGON ako sa pagkakahiga sa sofa. Tumalikod pa ako para hindi n’ya makita ang namumula kong bung mukha. Mariin kong kinagat ang ibabang parte ng labi ko habang umuugong sa loob nitong kuwarto ang bawat yapak ni Boss Darion. Nang marinig kong bumukas at sumara ang pinto, doon ko pinakawalan ang malalim kong hininga. Nanginginig-nginig pa ang kamay ko nang sinubukan kong ilapat ang aking palad sa ibabaw ng dumadagungdong kong dibdib. Nagkahalo-halo na ang kilig at kaba. Akala ko, sa banyo pumasok si Boss Darion pero lumabas pala s’ya sa kuwartong ‘to. Wala akong naririnig na naliligo sa bathroom. Baka sa silid na n’ya gagawin ‘yon para mahimasmasan ang init ng katawan n’ya. Hindi ako ako makapaniwala. Mukhang natukso ko yata si Boss na kahit wala naman akong ginagawa