ROSETTA FLORES "B-Boss... sandali lang..." Marahan ko s'yang tinulak palayo sa 'kin. "Pabigla-bigla naman po kayo magdesisyon... Isipin n'yo, ilang taon n'yong pinaghirapan ang posisyon ng ama n'yo tapos isasakripisyo lang para sa 'min ni Roscoe? Ang bilis lang mag salita pero baka sa pagsisisihan n'yo kaya mag isip muna kayo ng mabuti," seryosong pahayag ko sa kan'ya. "You are right. I have been earning my spot for that throne for years but I have done good enough for our organization." "Hindi pa kayo magsisisi ngayon pero baka kinalaunan, magbabago ulit ang isip n'yo?" "Rosetta, you have to trust me." "'Yan din ang mga linyahan n'yo sa 'kin noon pero..." Hiningahan ko s'ya ng malalim. "Boss, basta pagisipan n'yo muna ulit dahil ayaw kong dumating ang araw na maghihinayang kayo.