DARION DEMORGON C64

1433 Words

ROSETTA FLORES NAPA-HAWAK ako sa dibdib ko kung saan malakas na tumi t***k ang puso ko. Mariin akong napa-lunok at ilang ulit na huminga ng malalim. Bago pa nila ako mahuli, nag dahan-dahan akong umalis sa pintuan. Para nga akong maliligaw at hindi ko alam kung saan ako pupunta pero napadpad ako sa isang guest room na malayo sa kuwarto namin ng anak ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko pero imposibleng guni-guni ko lang 'yon. Hindi ko alam na may ganiyang plano si Darion dahil maliban sa napagkasunduan namin, hindi naging maganda ang trato n'ya sa 'kin at sinupladuhan na n'ya kasi ako. "Bakit pala ako pumunta rito? Hindi pa ako tapos kumain..." Nalutang na ako. Nakaligtaan kong kumakain pala ako sa dining room kaya nagmadali akong umalis sa guest room habang hindi pa lumalabas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD