ROSETTA FLORES IMBES na si Boss Darion lang ang maliligo, nadamay na rin tuloy ako. Nanginginig pa ako kanina sa lamig pero kinalaunan, pinagpapawisan na ako sa init. Dito pa talaga namin inulit sa sapa pero siguro naman, walang taong naka-kita. Naging dire-diretso na kasi kagabi, hindi ko na naisip ang kahihiyan kung may maka-huli man. Sana soldier na lang, ‘wag ang kahit sino mang ka tribo ko pero lumipas ang ilang mga araw, wala naman akong narinig na chismis tungkol sa ‘min ni Boss Darion. Lagi kaming nagkikita pero pareho kaming abala sa iba’t ibang bagay. Tumutulong ako sa mga gawain ng nayon namin. Tulad na lang ng pagbabantay ng mga bata at pagtuturo na rin. Na miss ko rin kasi silang lahat, maliban sa mga magulang ko. “G-Gan’yan na kalayo ang narating ninyo?!” Kausap ko