ROSETTA FLORES
“Rossetta!” Napa-tigil ako sa pag-kusot nitong panloob ko nang umalingawngaw sa buong sulok ng gubat ang malakas na boses ni Nanay. Kaagad akong tumayo sa pagkakaupo sa maliit na tipak ng bato at humarap sa kan’ya. Tumingala ako. Nasa ibabaw pala s’ya ng kaliwang bahagi nitong bangin, hindi pa nakakababa rito sa sapa. “Hinahanap ka ni Rocky! Puntahan mo muna sa kanila!”
“Sige po!”
Umalis na si Nanay.
Ginilid ko muna ang mga gamit panglabada at mga labahin ko bago ako umalis sa sapa. Inakyat ko ang hindi naman gaanong mataas na bangin at pahalang naman kasi ang tatahakin. Nilakad ko rin ang daan palabas nitong kakahuyan hanggang sa nasilayan ko ang patag na lupain ng aming nayon dito sa lambak. Napa-ngiti ako habang tinatanaw ang mga batang naghahabulan. Minasdan ko rin ang mga maliliit at malalaking kubo na may sapat na distans’ya. Pinapapaligiran kami ng maberdeng paligid. “Rosetta, na saan ang pinuno?” Huminto ako saglit sa pag hakbang at nilingon ang nag-salita mula sa likod ko.
Isa sa mga tauhan ng tatay ko. “Pasens’ya na po, Mang Jose... hindi ko po alam at galing po ako sa sapa…”
“Hahanapin ko na lang ang ama mo, Rosetta, salamat.” Tumango ako at umalis na s’ya sa harap ko. Pinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad. Malay-layo pa ang kubo ni Rocky.
Pinuno ng tribo namin ang tatay ko. Ang aming mga sinasamba, aming mga ninuno na naging mga pinuno rin noong unang panahon. Hindi ko lang matandaan kung pang ilang henerasyon na si Tatay. Dati, hindi pa kami na-expose sa modernisasyon at wala kaming kamuwang-muwang sa lahat ng bagay na nakikita sa syudad pero maraming pagbabago kaysa sa buhay ng mga ninuno namin noon.
Natuto silang makipagbarter na hanggang ngayon, isa iyan sa mga practices namin. Ang nanggagaling sa amin, gulay at prutas na binibigay namin sa mga negosyanteng taga-syudad habang ang kapalit naman, mga importanteng bagay kagaya na lang ng tela, damit, pang hygine, gamot, at marami pang iba. May mga iilang mga nadadag na hindi kabilang sa mga natatanggap ng mga ninuno namin dati pero naka-depende naman kasi sa pag-unlad ng syudad at kaysa pang tradisyonal na paraan, mas pinili namin na sumubok ng mga ginagamit nila roon pero may mga tradisyon na nananatili pa rin sa amin, s’yempre.
Na-implyuwens’yahan man kami ng hindi namin kauri, sinusunod pa rin namin ang mga batas ng mga ninuno. Walang problema sa pangunahing pangangailangan 'gaya ng pagkain. May mga palayan naman kami rito. Iyan kasi ang mahalaga. Bawat pamilya, may mga alagang hayop at sariling mga pananim. Tuwing ani naman ng mga palay, pinaghahati-hatian ng lahat. Palay lang yata ang hindi namin sinasama sa barter dahil sapat lang ang sa ‘min ang bawat ani.
Siguro mga limang beses lang sa ibang buwan kami nakikipagbarter. Suwerte na kung ilang karton galing syudad ang natatanggap namin na nakapaloob na roon ang aming pangangailangan. May mga katribo naman kaming lumipat sa syudad para makipagsapalaran. Mayroong suwerte at meron namang hindi pinalad. Bumalik nga ang ibang pamilya rito dahil mahirap pa rin na mag hanap ng trabaho roon at minsan, nakakaranas pa ng diskriminasyon. Mas mahirap pa raw ang buhay roon kaysa sa nayon namin. Dito, salat lang kami sa mga gamot at iba pa pero sa pagkain, hindi kami nagugutom dahil kung hindi man maganda ang ani ng palay, marami naman kaming puwedeng pang substitute pansamantala, kagaya na lang ng mais. Kung kinapos sa ani, hinahalo namin ‘yan sa bigas para dumami.
“Rocky? Nandiyan ka ba?” Napadpad na ako sa kubo n’ya at tinawag ko s’ya rito sa bakuran.
“Pasok ka, Rosetta! Ang dami kong pasalubong para sa ‘yo!” Narinig ko ang matitinis n’yang pagtitili na dinaig pa ang boses ng babae.
Dali-dali akong umakyat sa kubo n’ya at nadatnan ko s’yang naka-tayo sa gilid ng mesa pero kapansin-pansin ang mga kagamitang naka-lapag doon.
“P-Para ulit sa ‘kin ‘yan?!” Sabay tinuro ang mga gamit.
“Oo naman! Mahigit tatlong linggo tayong hindi nag kita kaya napa-dami!” Tumili rin ako sabay takbo palapit sa kan’ya. Siniil ko s’ya ng mahigpit na yakap.
Itong si Rocky, lalakeng may pusong babae. Wala akong kapatid. Kaedad lang kami kaya simula pagkabata, talagang magkasundo na kaming dalawa. Ako pa nga ang una n’yang sinabihan tungkol sa confusion n’ya sa kan’yang kasarian. Noong labing walong taon gulang kami, tinakwil na s’ya ng kan’yang mga magulang na nagtatrabaho bilang helper doon sa syudad. Nalaman nila ang pagkatao ni Rocky pero dahil ama ko ang pinuno, tinanggap na lang s’ya ni Tatay. Hindi na pinalayas sa nayon. Noong tumungtong naman kami ng bente anyos, sinubok n’yang mag hanap ng trabaho at napakasuwerte n’ya dahil natanggap s’ya bilang kusinero ng maperang pamilya.
Tatlong taon na s’ya roon. Nakapagaral pa nga s’ya ng dalawang taon sa college at si Rocky ang dahilan kung bakit ako natuto mag-ingles.
Kung ano ang mga natutunan n’ya sa pinasukan n’yang unibersidad, binabahagi n’ya rin sa ‘kin kaya nakakatuwa talaga.
Blessing nga s’ya sa buhay ko. Ang dami kong mga natuklasan nang dahil sa kan’ya. Kaya kong mawala ang lahat, ‘wag lang s’ya at si Rocky lang ang totoong nagmamahal sa ‘kin, bilang kapatid at kaibigan. “Hindi na ako makahinga! Bitaw na!”
Nagtawanan kami nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kan’ya. Hindi lang halata pero excited na ako kanina at alam ko kasing ang dami na naman n’yang inuwi para sa ‘kin. “Ano pa ang hinihintay mo? Buksan mo na kaya! Unahin mo na ang sako na ‘yan!”
“Oo na, ito na…”
Inalis ko sa pagkakabigkis ang tali sa sako. “Wow… kumpleto ah? Sabon, shampoo, toothpaste… lotion... pabango… may tsinelas pa… hala… bakit ka ulit bumili ng dress?! Ang dami mong binili sa ‘kin noong huling uwi mo ah?!”
“’Wag mo na intindihin… alam mo naman ang dahilan… Hindi ba’t ang sabi ko, natutuwa ako na makita kang naka-damit ng maganda?” marahang usal n’ya.
Napa-ngiti naman ako. Hinaplos n’ya ulit ang puso ko. Hindi lang dress ang binibili nito sa ‘kin. Pati bra, panty, blouse, at mahahabang pangibaba. Hindi ko na kinakailangang magpatahi galing sa mga telang binarter namin at sagana na ako kay Rocky. “Oo nga pala, nako, baka malaman kong kukunin na naman ng mahal na Reyna ang mga pampaganda mo riyan ha? Para lang sa ‘yo ‘yan, ayaw kong binibigyan mo ‘yang Nanay mong makapal ang mukha!”
Natawa ako ng hilaw sa sininghal ni Rocky. Si Nanay kasi, kinukuha n’ya sa ‘kin ‘yong mga bigay nito. “Mahiya na sana s’ya sa mga ninuno natin! Anak ka n’ya tapos kinakainggitan ‘yang ganda mo?! Sus, akala n’ya kasi may lahi s’yang bampira at gusto n’ya, pang habang buhay ang beauty n’ya! Gurang na s’ya ‘no! Walang problema kung nagpapakafeeling dalaga pero ‘yong dadapuan s’ya ng inggit sa katawan dahil sa youthfulness and ethereal beauty mo?! May sira na talaga s’ya sa utak!”
Pinupuna n’ya na naman si Nanay pero totoo naman kasi ang mga sinabi ni Rocky. Maayos naman ang pakikitungo ni Mama noong bata pa ako pero nu’ng naging teenager na ako, napansin kong may kakaiba sa kan’ya.
Lagi na s’yang naiirita.
Kung nakakatanggap ako ng papuri galing sa ibang tao at sa aming katribo ang lagi n’yang sinasabi, ‘Mana sa ‘kin ang anak ko’, ‘Saan pa ba nag mana?’ Akala ko proud lang s’ya pero habang nagdadalaga ako, mabilis na talaga s’yang nagagalit sa ‘kin kahit sa maliit na dahilan. Lalo na’t halos lahat ng mga lalake sa nayon, hinahangad akong ligawan.
Tinataboy n’ya lahat. “Gusto kasi ng nanay mo, lagi s’yang pinapansin! Akala n’ya siguro dalaga pa rin s’ya kagaya noon na… hinahabol ng mga kalalakihan… Ikaw na ang sumunod sa yapak n’ya pero inggitera… Lagi kang dina-down! Hindi pa rin nagbabago!”
Asawa kasi si Nanay ng Pinuno kaya 'kum baga, gusto n’ya, sa kan’ya ang tinatawag na spot light. Sikat kasi si Nanay sa panahon nila noon at parang sinisisi n’ya ako na nabuntis s’ya. Nang dahil daw sa ‘kin, pumangit na ang katawan n’ya at lumosyang na s’ya tingnan. Pero para sa ‘kin, s’ya ang may kasalanan at panay lamon kasi ng lamon lalo na ‘yong mga prosesong pagkain galing sa syudad.
Minsan nga parang pinipigilan n’ya pa si tatay na ibigay ang ibang nakuha sa barter pero kumukontra talaga ako at lahat ng mga pinalit namin, dugo’t pawis ang nilaan ng mga katribo namin para mabuo lang ang daan-daang sako ng prutas at gulay na dapat kotahin.
Nakikipagaway talaga ako kay Nanay. Ang gahaman kasi. Kung ganiyan ang nangyayari, sinasabihan kaagad ako ng mga katribo ko at para mabawi ko agad sa nanay ko ‘yong mga itatago n’ya para sa sarili lang n’ya.
Hindi ko masisisi itong si Rocky kung naiinis din s’ya sa nanay ko dahil s’ya kasi ang saksi kung paano ako tratuhin. .
Maging s’ya noon, hindi rin naka-ligtas sa mga panglalait at pangungutya. Kung aalis ang tatay ko dati, ayaw ako palabasin ng nanay ko at sinasaktan na rin. “Kaya ‘wag mo na s’ya bigyan ha? Nako, magagalit talaga ako.” Mabilis kong tinanguan si Rocky.
“Hindi na, sorry…” malambing kong sambit.
“Teka, magluluto lang ako ng tanghalian… kakain lang ako at pagkatapos, kinakailangan ko nang umalis… Dito ka na kumain.” Um-oo agad ako.
Niluto ni Rocky ‘yong imported pa raw na mga delata at pinrito na rin ang dala n’yang frozen food. Baka kasi masira. Pinagsaluhan namin lahat ng masasarap n’yang hinanda at pagkatapos no’n, nagpaalam na s’yang umalis.
Ginusto kong rito muna ako manatili sa kubo n’ya para ayusin ang aming mga kalat at para malinis na rin ang bahay n’ya bago ako aalis mamaya. “Rossetta, pagbuksan mo nga ako ng pinto! Rosetta!” Habang pinupunasan ko ang lamesa, narinig ko na lang ang malalakas na katok ng nanay ko at sinabayan pa ng iretable n’yag boses.
Binitawan ko ang pamunas. Bumaba ako sa sala at nasilayan ko ang presens’ya ng nanay ko sa maliliit na siwang ng pinagtagpi-tagping pader na yari sa kawayan. Naka-tayo s’ya sa unang andana ng tablang hagdan. “Bilisan mo naman, sobrang hinhin mo namang kumilos!” Nilapitan ko ang naka-saradong pinto at pinagbuksan na s’ya. Kaagad na humakbang papasok dito sa loob.
“Bakit po? Ano po ang ginagawa n’yo rito?” Nag pamewang s’ya rito sa harapan ko.
“Tinatanong pa ba ‘yan?! Alam kong may mga pinagbibili na naman ang baklang ‘yon sa ‘yo! Hindi mo ba ako bibigyan?!” malakas n’yang singhal sa ‘kin.
“Pero nangako ako kay Rocky na wala dapat akong ibigay sa ‘yo… at isa pa, noong huling bisita n’ya rito sa nayon, binigyan kita ng dalawang bote ng lotion. Mga malalaki pa naman ‘yon, ubos na agad?”
Marahas n’ya akong hiningahan. “Ang dami mo namang tanong. Ano, bibigyan mo ba ako o hindi?”
“Nasabi ko na po na bawal nga. May pinagusapan kami ni Rocky. S’ya ang nagagalit sa ‘kin kung nalalaman n’ya,” mahinahong usal ko.
“Pinagdadamutan mo na ako ngayon?”
“Hindi po, ‘nay. Hindi sa gano’n. Kung kilala n’yo ako, talagang nagkukusa ako pero nagagalit na nga s’ya sa ‘kin at wala akong karapatan na suwayin s’ya dahil pinaghirapan naman n’ya lahat ‘yong—“ Saglit akong napa-tigil sa pagsasalita nang tinulak n’ya ng isang beses ang noo ko.
“Hoy, Rosetta. Ang suwapang mo talaga kahit kailan… Hindi mo na kinakailangan ng lotion! Ang kinis at puti na ‘yang balat mo!”
“Hindi naman sa makinis o hindi, ‘nay… Ang punto ko rito, may binilin nga sa 'kin si Rocky—“
“Wala akong pakealam sa pinagusapan ninyo! Bigyan mo na ako ng mga lotion at pabango!”
“Hindi n’yo pa sinagot ang tanong ko kung naubos na ba ang mga binigay ko sa inyo?”
“Rosetta, hindi na bale kung naubos… akin na ‘yong parte ko.” Sabay nilahad pa ang kanan n’yang palad sa harapan ko pero tinitigan ko lang ‘yon sabay umiling-iling.
Doon saglit na napa-tigil ang pag-hinga ng nanay ko at nang sinalubong ko s’ya ng tingin sa kan’yang mga mata, bigla-bigla na lang tumagilid ang ulo ko at umugong sa ulo ko ang malakas n’yang sampal.
Namingi pa ako pero kalmado ko lang na hinarap pabalik ang nanay ko.
Marahan kong hinawi ang sabagal na buhok na nalaglag sa pagkakasampal n’ya at isinabit ko na lang sa kabila kong tainga.
Tinitigan ko s'ya. “Saktan n’yo ako ng ilang beses, kayo ang bahala pero hindi ko kukunsintihin ang pagiging gahaman n’yo… Mag antay na lang kung kailan ko kayo bibigyan.”