Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 38 Final Chapter Noong ako ay nag kamalay, natagpuan ko ang aking sarili sa isang silid na punong puno ng bulaklak. Naaninag ko ang isang babae na nakabantay sa akin habang inaayos ang aking higaan. Maganda siya, aamo ang mukha at napaka simple ng pananamit. Bumakas sa kanyang mukha ang ngiti noong makitang nanumbalik na ang aking malay."Mabuti naman at gising kana" ang bati nito "N-nasaan ako?" tanong ko habang iniikot ang aking mata sa buong silid "Nandito ka sa aming tahanan, natagpuan ni Papa ang katawan mo na lumulutang sa tabing ilog kagabi kaya’t noong malaman nya na buhay kapa ay agad ka nyang idinala dito." paliwag ng dalaga. Tama ang aking pag kaka aninag sa kanya, noong masilayan ko siyang mabuti ay napatunayan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books