Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 37 Dinala ni Yago ni Yumi sa pagamutan ng palasyo. Ang babaeng sinungaling ay umarteng nawalan ng malay matapos makuha ang simpatya ng hari. Nakit ako rin ang pag aalala sa mukha ni Yago lalo't nalagay raw sa bingit ng panganib ang kanyang anak. "Ned, bakit mo ginawa iyon kay Yumi? Nag dadalang tao siya." wika ng hari. "Mahal na Hari, naniniwala ka ba talaga na ginawa ko ang bagay na iyon? Bakit ko naman siya hahampasin ng plorera sa ulo?" tanong ko. "Ang ibig mo bang sabihin ay ginawa ni Yumi sa sarili niya iyon?" tanong ko. "Opo Mahal na hari, patawad sa aking kapangahasang sumagot ngunit hindi ko po matiis na malalagay sa alanganin ni Master Ned sa isang kasalanang hindi niya ginawa." ang wika ni Mister Felix noong