Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 36 "Good morning." ang naka ngiting bati sa akin ni Yago noong mga sandaling imulat ko ang aking mata. Pero sa halip na tumugon ay tumalikod ako sa kanya at mabilis akong tumayo para mag hilamos at mag linis ng katawan. Halos buong mag damag kong iniisip ang aking sitwasyon ngayon. Pakiwari ko ay nakabitin ako sa sanga ng isang matinik na puno. Habang kumakapit ako ay patuloy akong nasasaktan, nag durugo ang aking kamay at wala akong ginhawang maramdaman. Habang abala ako sa pag hihilamos ay pumasok si Yago, tumayo siya sa aking likuran, naka hubot hubad, matigas na matigas ang ari. Pero hindi ko naman siya pinansin agad akong punas ng mukha at lumabas ng banyo. Marahil ay nararamdaman na ni Yago ang aking pag iwas sa kanya. Hind