Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 35 Walang humpay na pag takbo ang aking ginawa, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa basta ang alam ko lang ay kailangan kong huminga sa tindi ng sakit na dinulot sa akin ng mga kaliwat kanang rebelasyon kanina. Nauunawan ko kung bakit hindi ako nagawang ipag tanggol ni Yago at nang kanyang ama dahil may batang involve sa sitwasyon kaya’t hindi nila maaring ipag sa walang bahala ang lahat. Alam kong pangarap din ni Yago at nang kanyang ama ang mag karoon ng anak at apo kahit hindi nila ito sinasabi sa akin ay nararamdaman ko naman na parang may kulang sa akin. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Sadyang may mga bagay ang hindi ko kayang ibigay at iyon ang pinaka malungkot na parte ng aking pag katao kapag ito