Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 29 Si Abel nga! naka suot ito ng uniporme na pang baguhang kawal at mas lalo pang naging matipuno at maganda ang pangangatawan nito. Dala na rin siguro ng labis na kasabikan na muling mahawakan si Abel, kusang humakbang ang aking mga paa at nag tatakbo ako patungo sa kanya "Abellll!" ang sigaw ko sabay yakap sa kanya dahilan para mapatingin ang lahat sa amin. Pati si Yago at labis na bigla sa aking inasal. "Tol, sa wakas nakita rin kita! Miss na miss kita." ang sabi ni Abel at niyakap din ako ng mahigpit nito. "Ito lang ang tanging paraan para malapit ako sa iyo." Tila nawala ako sa aking sarili noong makita kong muli ang aking kababata, mukha nawala sa aking isip na kasama ko si Yago na ngayon at maasim na ang mukha at hindi