Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 28 Alas 11 ng umaga noong ako ay nagising. Halos damang dama ko ang sakit ng aking ulo dulot ng matinding kalasingan kagabi. Tanghali na pala at wala na rin si Yago sa aking tabi, marahil ay pumasok na ito sa eskwela kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at tinungo ang banyo upang mag linis ng aking katawan. Bagamat may kirot sa aking sintido, mas malamang pa rin ang kirot sa aking dib dib. Parang hindi ito nawawala at ibayong sakit ang lumulukob sa akin lalo na kapag naiisip kong nakikipag talik si Yago sa babaeng iyon. Kung paano sila mag tabi matulog, o masaya ba silang mag kasama dahilan para hindi nya ako maalala man lang. Ginugol ko ang aking buong mag hapon sa pag aaral kasama si Mr. Felix, hapon na noong lumabas ako