Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Part 27 "Yumi, kailangan natin mag usap. Marami kang kailangan maintindihan ang malaman tungkol sa akin" ang sabi ni Yago "Alin iyon? ang pag papakasal mo sa kapwa mo lalaki? Siya iyon hindi ba?" ang sabi nito sabay turo sa akin. "C’mon Yago, You can’t be serious. Hindi ka naman binabae para pumatol sa isang bakla. At isa pa ay pareho kayo ng kasarian paano ka nya mabibigyan ng anak? Ayokong isipin kung paano kayo nag tatalik dahil nandidiri ako, Yago please stop this nonsense. Pero alam mo, its my fault kasi lumayo ako at nalungkot kaya nag laro ka kasama ng iba." ang sabi nito habang naka tingin sa akin "Yumi please, sa ibang araw na lamang tayo mag usap. Marami ka pang hindi maiintindihan." ang sabi Yago ngunit hindi pa rin nat