Ako at si Prinsipe Yago Season 2 AiTenshi Aug 16, 2013 Part 26 Ilang araw rin bago ako maka move on doon sa hula ng lalaki sa plaza. Isang napaka laking pala isipan sa akin ang kanyang mga sinabi. Para siyang sinaniban ng kung anong espiritu at nawala ito sa kanyang sarili. Ang sabi ni Mr. Felix at ng ibang kawal na nakaka kilala rito ay umaarte lamang raw ito. Pero para naman sa akin na kinilabutan mula ulo hanggang paa ay isa itong sumpa na dapat pag handaan. Gayon pa man ay pinipilit kong labanan ang negatibong pag iisip na iyon. Nag focus lang ako sa pag aasikaso kay Yago at sa masarap na pag mamahal na kanyang ibinibigay. Nag daan ang mga ordinaryong araw sa buhay namin ni Yago. Wala pa rin pag babago sa aming samahan at syempre ay naroon pa rin ang aming madalas na lambingan a