Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 12 Namalayan ko nalang ang unti unting pag lubog ng aking katawan sa lawa. Ibayong takot at kawalan ng pag asa ang nanaig sa aking isipan noong mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay dito na matatapos ang aking buhay. . "Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Parang kahapon lamang ay normal pa ang takbo ng aking pamumuhay, ngunit nang dahil sa isang pag kakamali ay nag bago ang takbo ng aking mundo. Gusto ko na bumalik sa dati kung saan ang tanging masakit lamang ay ang sugat sa aking tuhod kapag nadarapa at hindi ang aking puso kapag nasasaktan." ito ang pag tangis ko sa aking sarili habang unti unting inilulubog ng malamig na tubig ng lawa ang aking katawan sa kailaliman nito Nakabukas ang aking mata habang nakatitig sa liw