Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 13 Noong mga oras ding iyon, nag desisyon akong lisanin na ang palasyo, ito lang kasi ang tanging paraan upang matahimik na ang aking buhay. Hindi ako masamang tao ngunit kailangan ko lang talagang gawin kay Yago ang mga bagay na iyon dahil sumosobra na ito. Sa ngayon masasabi kong isa siya sa pinaka masamang taong nakilala ko sapagkat nagawa niyang pag tangkaan ang buhay ko. "May paiyak iyak pa ang gago! Umaarte lang pala! At ako naman itong si tanga! Arrrrghhhhhhh!" Ang aking mga lumang gamit ay isinilid ko sa sako at itinabi ito. Habang nasa ganoong posisyon ako ay narinig kong galit na galit si Yago sa bulwagan at aakyat pa rito sa aking silid para makipag away ulit. Pinipigil lang siya ng mga kawal at taga bantay para hindi maka akyat sa aking