Part 14

2059 Words

Ako at si Prinsipe Yago AiTenshi Part 14 Mistulan akong isang kriminal na tumakas sa palasyo. Naka suot ako ng lumang pantalon at lumang damit, mayroon akong balot ng gamit sa mukha na regular na itsura ng alipin na madalas nag tutungo sa bukid. Medyo madilim pa noong makalabas ako sa tarangkahan kaya walang masyadong tao. Ang naging pahirap sa akin ay noong mag liwanag, sa unang tilaok ng manok ay nag labasan na ang mga tao sa paligid dala ang kanya kanyang trabaho noong mga oras na iyon. Hindi ako natakot, lumakad ako ng normal at nagawa ko pang bumili ng tinapay sa tindahan sa aking matinding gutom at uhaw. "Naku, kapapasok lamang ng balita, tumakas daw si Master Nedriko kagabi sa palasyo. Kaya ngayon ay nakalat na ang mga kawal para hanapin siya." ang wika ng tindera. "Bakit nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD