Ako at si Prinsipe Yago
AiTenshi
Part 7
Positibong feedback ang natanggap ko sa media noong ilabas ang aking larawan sa pahayagan. Sa maliit na artikulo ay nakasulat doon ang aking kabutihang loob sa mga mag aaral ng Avalon. "Maswerte ang prinsipe Yago dahil ang kanyang nakatakdang maging kabiyak ay may mabuting puso." iyan ang nakasulat sa pahina kaya naman nilukot ito ni Yago at itinapon sa basurahan.
Lumipas ilang araw ng pananatili ko sa loob ng palasyo, halos hindi pa rin nag bago ang pakikitungo sa akin ni Yago. Madalas pa rin itong nanininghal at paminsan minsan naman ay masama ang tingin nito sa akin. May mga araw naman na nagiging madalas ang pag alis nito at halos hating gabi na umuuwi, ang dahilan daw kasi ng pag alis nya ay "upang hindi nya makita ang mukha ko dahil naiirita lamang siya". Pero sa kabila ng lahat ng ito, nanaig pa rin ang mga payo ni Mr. Felix na huwag ko na lamang itong pansinin dahil hindi naman makatutulong.
Katulad noong nakaraang gabi, dumating si Yago kasama ang mga kabarkada nya at nakita ko kung anong klaseng bisyo ang mayroon sila, nag iinuman ng alak habang may mga babaeng naka hubad ang sumasayaw sa kanilang harapan. Ibang klase rin naman talaga ang trip ng mga mayayamang ito pati tao ay ginagawa nilang alipin at pinasasayaw ng walang saplot.
Minsan pa nga napapansin ko na kung sino sinong babae ang dinadala ni Yago sa silid nya at kapag naman pinag sasabihan sya ng kanya ama ay nagagalit din ito at sumasagot ng pabalang. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema ng taong ito at parang lahat ng kasamaang isinabog ng kung sino man ay sinalo nya. Pero kahit na sa ganoon ay pinipilit ko pa rin na pakisamahan siyang mabuti, nandyan yung pinag hahanda ko siya ng pag kain, inaasikaso tuwing malalasing siya at sinusuyong mabuti para naman gumaan ng kaunti ang loob nya sa akin ngunit sa kabila ng kabutihang ipinapakita ko sa kanya ay pag dadabog at pataboy pa rin sa akin ang sukli nito.
At hindi pa dyan nag tatapos ang kasamaan ng ugali ng Prinsipe, isang araw habang tahimik akong nag babasa ng aklat sa kanilang hardin, inutasan nya ang kanyang mga kawal na palayasin ako sa palasyo at ilabas sa tarangkahan, wala naman daw kasi ang kanyang ama kaya siya ang masusunod. Halos abutin ako ng mag hapon sa labas ng tarangkahan mabuti nalang at dumaan ang sasakyan ng mahal na hari kasama si Mr. Felix at nakita nila akong nakatalungko sa isang sulok kaya naman isinakay muli nila ako pabalik ng palasyo. At ang sama pa nito, itinanggi ni Yago na pinalayas nya ako "Ako daw mismo ang umalis dahil ayoko na manatili sa palasyo." ewan ko lang kung naniwala sa kanya ang kanyang ama.
Gwapo si Yago, pero kapag naka ngisi na siya ay para na siyang isang demonyo. Kung minsan ay bigla nalang akong babangon mula sa pag kakatulog dahil napapanaginipan ko ang kanyang nakaka asar mukha.
Isang umaga naman ay nagising ako at nung tinungo ko ang balkunahe sa labas ng aking silid para lumanghap ng sariwang hangin galing sa lawa, nakita ko si Yago na nakatayo sa gilid ng lawa, wala itong pang itaas na damit kaya naman kitang kita ko ang ganda ng kanyang katawan, napaka ganda ng umbok ng kanyang dib dib, maliit ang bewang na walang kataba taba at ang kanyang bilugang braso na may masel, kapansin pansin din ang ganda ng labi nito na mamula mula na kahit sa malayo ay nakikita pa rin. Ilang minuto ring nasa ganoong pag tayo ang prinsipe bago ito tuluyang lumandag sa mala kristal na tubig sa lawa at saka ito lumangoy ng paulit ulit. Kaya naman pala maganda ang katawan nya isa pala ito sa nakagawian nyang ehersisyo.
Habang abala si Yago sa pag langoy, ako naman ay mag mamadaling nag tungo sa kusina upang mag handa ng aming almusal. Balak ko kasing ayain itong kumain dahil mukhang maganda naman kasi ang gising niya at baka sakaling hindi nya ako sungitan. Sa tulong narin ng mga katiwala, naihanda namin ng maayos ang almusal at hinintay nalang namin si Yago na matapos sa kanyang ginagawa. Ang paki usap sa akin ni Mr. Felix ay pakitaan ko siyang kabutihan na parang isang anghel, baka raw sakali na kung papakisamahan ko siyang mabuti ay maging maayos ang aming samahan. Iyon rin ang pakiusap ng hari. Marahil raw kasi ay walang nag aasikaso kay Yago maliban sa mga katiwala at taga pag lingkod. "Mas makabubuti siguro na ikaw bilang kanyang magiging asawa ang mag simulang mag asikaso sa kanya." wika ng hari
"Paano ko naman po gagawin iyon? Ang inyong anak ay parang isang abnormal na unggoy na nakabitin doon sa puno. Mag wawala ito kapag pinansin at nilapitan. Siya yung unggoy na nagiging tigre pag nagalit." sagot ko.
Natawa ang hari ng malakas. "Subukan mo lang, mag simula ka sa pag hahain ng pag kain, pag aasikaso sa kanyang gagamitin sa pag aaral. Yung gawain ng babaeng asawa sa kanyang kabiyak."
"Pero pareho naman kaming lalaki. Bakit po ako ang dapat mag adjust?"
"Dahil ikaw ang higit na nakaka unawa hijo." ang tugon ng hari sabay gusot sa aking buhok.
At katulad ng set up ay sinunod ko ang payo ng hari, inasikaso si Yago sa abot ng aking makakaya na parang isang tunay na may bahay na nag aaruga sa kanyang asawa. "Yago, kain muna tayo, nag handa ako ng masarap na almusal" ang positibong pag anyaya ko habang papasok ito ng bulwagan
Tumingin ito sa akin at hindi ko inaasahan ang kanyang magiging kasagutan "Sige."
Halos pumalakpak ang aking tainga sa aking narinig, ito yata ang pinaka unang beses na pumayag si Yago sa aking paanyaya. Hindi ko maisalarawan ang aking nararamdaman, lumulundag ang puso ko sa sobrang galak at dahil dito ay pumalo ng mataas na level ang metro ng aking kaligayahan. "Wow, halika. Ipag hahain kita" ang muli ko pag imbita
"Sige ikuha mo nalang ako at ipadala mo sa silid ko. Hindi kasi ako sanay na kaharap kumakain ang isang alipin, nawawalan ako ng gana." ang sagot nito at agad umakyat ng hagdan patungo sa kanyang silid habang nag pupunas ng towel sa kanyang katawan.
Parang may kung anong matigas na bagay ang hinataw sa aking ulo dahilan para biglang bumagsak ang metro ng aking kaligayahan. Ang akala ko pa naman ay talagang babait sya sa akin ngayong araw nag kakamali pala ako. Alipin pa rin ang nakikita nya sa akin at hindi tayo. "Oh sige, ipapadala ko na lamang sa silid mo." ang sagot ko habang naka ngiti ng pilit at hindi ko rin naman alam kung narinig ako nito dahil nag mamadali itong umakyat ng hagdan.
"Anong iniisip mo master? kanina pa kita napapansin na nakatulala dyan.." pang uusisa ni Mr. Felix sa akin.
"Wala naman po"
"Hindi po ako naniniwala, si Yago ba iniisip mo?"
Tango lamang aking isinagot.
"Ang totoo nun master, bago kapa dumating dito sa palasyo ay ganyan na talaga ang ugali nya. Sakit nga daw siya sa ulo ng kanyang ama dahil abot langit ang pagiging pasaway nito. Naalala ko nga dati, nag karoon na iyan ng maraming kasintahang babae ngunit dahil sa masama nga ang ugali nito agad nila itong hiniwalayan hanggang sa dumating ang araw na wala nang gustong makarelasyon siya. Kasi nga naman may kasintahan na siya, may punching bag pa siya. Two in one diba? Hehe biro lang. Isa rin siguro sa dahilan kaya dinala ka rito ng mahal na hari ay upang impluwensyahan mo ang Prinsipe Yago ng kabutihang asal at kagandahan ng kalooban."
"Ang akala ko ay para ipasa sa akin ang responsibilidad na gabayan ang kanyang abnormal na anak." sagot ko dahilan para matawa si Mr. Felix. "Ang lahat ng kabutihang itinanim mo ay siy mo rin aanihin pag dating ng tamang panahon."
Napa buntong hininga ako..
"Ayos lang naman po sa akin ang maging masungit siya Mr. Felix. Ang sa akin lang naman ay konting appreciation lang ang hinihiling ko hindi pa niya maibigay. Paano ko pa ba siya papakisamahan ng maganda kung ang sarili nya mismo ay patapon na? Hindi naman ganoon kahaba ang pasiensya ko, kahit ang higanteng salop ay napupuno rin. Napapagod na ako gusto ko na lumisan.."
"Master Ned, alam kong nahihirapan kana ngunit hindi pa panahon para sumuko. Isipin mo nalang ang magagandang bagay na nag hihintay para sa iyo. Kung hindi mo na talaga kayang paki samahan si Yago ikaw ang masusunod dahil sarili mo iyan. Pwede mo siyang huwag nalang muna pansinin, iyon naman ay kung wala ka talagang paki alam sa kanya."
"Ganoon na nga lang ang aking gagawin, may respeto ako sa aking sarili at ito nalang yung natitira sa akin."
"Ikaw po ang masusunod master Ned"
Iyon nga ang bagong set up na nilaan ko sa aking sarili, iwas iwas din kay Yago pag may pag kakataon. Mahirap naman kasi yung nag mumukha akong martyr, isinisiksik ko ang aking sarili sa isang taong ayaw naman sa akin kaya naman hihintayin ko nalang ang araw na siya mismo ang lumapit at mamansin. Nasasayangan lang ako, ang napaka gwapong mukha, magandang pangangatawan, at ang halos perpektong pamumuhay nya ay sayang lang dahil umaamoy ang pangit na ugali nito.
"Ganito rin kaya ang ipinapakita nya sa mga tao sa labas ng palasyo? O baka sa akin lang dahil hindi nya ako feel?" tanong ko sa aking sarili habang sinusuktan ng damit ni Mr. Felix
"Itaas mo yung kanang kamay mo at tumayo ka ng mabuti master para maganda ang makuha naming sukat ng katawan mo"
"teka muna, bakit ba sinusukatan nyo ko? aanhin ba to?" pag tataka ko
"Kasi master Ned, dumating na ang mahal na hari, at dala nya ang balita na inaanyayahan daw kayo ni Yago sa isang live telecast interview sa telebisyon" paliwanag nya.
"Ano? interview sa telebisyon? Teka, ayoko po dahil mahiyain ako saka isa pa, bakit naman ako pa ang kasama madami naman dyan? Hindi po ako sanay sa ganito Mr. Felix"
"Kaya kayo ang pinili kasi nga inaabangan ng publiko ang tambalan nyo ng Prinsipe. Saka madami kang taga hanga sa labas palasyo. Tungkol naman sa pagiging mahiyain mo, madali lang remedyohan yan basta makinig ka lang sa lahat ng sasabihin ko. Matapos ang good feedback sa iyo ng Avon Lea foundation ay tiyak na mamahalin ka nila agad."
"Kailan ba ito?" muli kong tanong
"Sa isang linggo na master, kaya may panahon pa tayo para mag sanay"
"Makakatanggi pa ba ako?" tanong ko
"Hindi na po master. Ituloy mo na ito, alam kong matutuwa ang publiko na makita ka"
"Bahala na, hindi naman siguro ako paparusahan kung mamamali ako?" tanong ko.
"Hindi po master. Walang ganoong mangyayari." naka ngiting wika niya sabay ngiti sa akin.
Lumipas ang dalawang araw, pinatawag kami ni Yago sa bulwagan ng palasyo upang mag sanay ng aming sasabihin at gagawin sa harap ng pambansang telebisyon, ang lahat daw ng ito ay gagawing scripted na upang mapaniwala namin ang mga manonood na talagang sweet kami sa isat isa at para mas lalo pa kaming maka kuha ng simpatya at suporta. Nag tabi kami ni Yago sa isang sofa at doon ay tinuruan kami kung paano uupo.
Una, mauuna muna akong uupo at aalalayan ako ni Yago na parang isang babae.
Ika lawa, hindi dapat mawawala yung matamis na tinginan namin at paminsan minsan ay mag hahawak kami ng kamay o mag kakaladyaan para ipakita ang aming pekeng kasweetan.
At ikatlo, bago matapos ang programa, mag aalay kami ni Yago ng isang kanta habang nakalingkis ang kayang kamay sa aking bewang.
Sa maka tuwid, ibang level ng kaplastikan ang aming ipapakita sa publiko na kabaligtaran sa totoong buhay namin dito sa loob ng palasyo na hindi nag papansinan.
"Naintindihan nyo po ba Master Ned at Prinsipe Yago?"
"Opo" sagot ko, halatang di ko maitago ang pag ka ilang ko sa lalaking aking katabi. Bukod sa hindi pa naliligo ito amoy pawis pa katawan na hindi malaman kung saang lupalop nag suot.
"Tapos na ba? Bilisan nyo at ayokong nasasayang ang oras ko!" pag mamaldito ni Yago
"Tapos na po mahal na prinsipe, maaari na po kayong bumalik sa pag lalaro ng basketball" sabi ni Mr. Felix
Iniwan ako ni Yago at bumalik ito sa pag lalaro ng basketball, ako naman ay nakatigtig sa script ng mga linya na aking iaarte sa harap ng publiko. Nakakalungkot lang na lolokohin ko sila at lolokohin ko rin ang aking sarili. Sa makatuwid, walang katapusang lokohan ang magaganap sa isang linggo, araw Martes sa harap ng pambasang telebisyon.
itutuloy..